Written by students who passed Immediately available after payment Read online or as PDF Wrong document? Swap it for free 4.6 TrustPilot
logo-home
Summary

Sumario Ang Pagdadalumat sa Salitang Pilosopo

Rating
-
Sold
-
Pages
5
Uploaded on
17-05-2022
Written in
2021/2022

A research written in Filipino language. A research on the word "pilosopo" and its correlation to being disrespectful.

Institution
Course

Content preview

Holy Family Academy of Angeles, Pampanga Inc.
High School Department
Friendship Highway, Cutcut, Angeles City



FILIPINO SA PILING LARANG – AKADEMIK
(FILAR)


“Pagdalumat: Ang Salitang Pilosopo at Ang Kaugnayan Nito sa Kawalan ng Respeto”


Panimula

“Pilosopo ka!” Tila ito ang bukambibig sa pakikipagbangayan laban sa mapang-uyam o
sarkastikong indibidwal. Kadalasan, ang paggamit sa nasabing ekspresyon ay bunga ng
pag-iinitan sa pagitan ng batang waring “sumasagot” sa nakatatandang kausap. Sa
kulturang Asyano, partikular sa kagawiang Pilipino, ang “pagsagot” o ‘di kaya’y
“pamimilosopo” ng isang tao ay indikasyon ng kwestyonableng moralidad at kawalan ng
labis na paggalang sa kaniyang nakatataas.

Ang na salitang “pamimilosopo” ay naglalaman ng negatibong konotasyon – waring anyo ng
pang-iinsulto. Maaari rin itong tumukoy sa pagbibiro ukol sa pangyayaring hindi
kapanipaniwala. Ang mga nasabi ay batay sa kadahilanan na ang salitang ugat nito,
“pilosopo,” ay katumbas ng taong mapagmarunong sa lahat ng bagay, tama man o mali.
Nangangahulugan din ito bilang paggamit ng indibidwal sa kaniyang katalinuhan sa paraan
na pagmamayabang. Bagama’t kadalasang negatibo ang konotasyon ng salitang “pilosopo”
sa kasalukuyan at pang araw-araw na talakayan, naglalaman pa rin ito ng samu’t saring
positibong indikasyon gaya ng paggamit sa salita bilang isang marangal na titulo sa pag-
aaral. Kung kaya’t nais hamakin ng papel na ito ang transisyon mula sa orihinal na
kahulugan ng salita patungo sa nakasanayang balbal na gamit nito sa kasalukuyang
pakikipagkomunikasyon gamit ang mga pananaliksik at literaturang hihimay sa tunay na
kahulugan, relasyon, at gamit ng salitang “pilosopo” sa konteksto ng pagiging sarkastiko at
sa pagkakaroon ng kawalan ng respeto sa nakatatanda.

, Pagdalumat: Ang Kaugnayan ng Salitang “Pilosopo” at Respeto

Ang salitang “pilosopo” ay nagmula sa salitang Espanyol na “filósofo” at maaari itong
isalin sa wikang Ingles patungo sa salitang “philosopher”. Ayon sa Merriam-Webster, ang
wikang “pilosopo” ay ginagamit upang tumukoy sa isang estudyante ng pilosopiya o sa
isang taong nais makamit ang karunungan at kaliwanagan. Tumutukoy ito sa isang taong
mahilig mangilatis ng kung anumang bagay o ideya upang pag-aralan nang mas malalim
gamit ang pilosopikong pananaw. Kumbaga, ang isang malawak na pangyayari, salita, ideya,
o kung anuman ay hinahanapan nila ng dahilan at kahulugan sa kanilang kagustuhang
makakamit ng kaalaman.

Kung susuriin din ang mga kahulugang mahahanap sa Internet ukol sa salita ay
makakukuha ang isang tao ng ideya ukol sa katangian ng isang pilosopo. Inilalarawan ang
isang pilosopo bilang isang taong mahilig makipagtalo at makipagdebate. Sila ay ang mga
taong nagbibigay ng kahulugan kahit na sa mga simple at mababaw na bagay. Kaya naman
ang karaniwang imaheng nabubuo sa mga depinisyong ito ay isang taong malalim,
matalino, at may pinag-aralan. Ukol naman sa kung saang asignaturang matalino ang isang
“pilosopo”, sumagot ang mga nakapanayam na walang partikular na larangan maliban na
lamang sa asignaturang pilosopiya.

Sa ganang ito, hindi lumalayo ang ang pagpapakahulugan nina Platon at Sokrates na
nabanggit sa papel ni Espiritu (2008) na ang isang pilosopo ay isang taong may
pagmamahal sa karunungan at pagtuklas ng sagot sa mundo. Paliwanag niya na ang
pagiging pilosopo ay hindi lamang pagiging matalino o pagkakaroon ng pinag-aralan. Ang
isang tunay na “pilosopo” ay isang taong malalim mag-isip at aktibong naghahanap ng
bagong kaalaman o sagot sa kaniyang mga tanong tungkol sa iba’t ibang mga bagay o
pangyayari sa buhay.

Isang pilosopong mahahanap sa pampanitikang Filipino ay ang karakter na si Pilosopo
Tasyo mula sa nobelang Noli Me Tangere ni Doktor Jose Rizal. Pinakikilala siya bilang isang
taong matalas mag-isip ngunit nagsasalita sa matalinghagang paraan, kaya’t ang mga tao ay
nahihirapang intindihin ang kaniyang tunay na nais sabihing payo o opinyon. Ito, kabilang
na ang kaniyang istorya bilang isang taong nagbabad sa pagbabasa nang hindi siya

Written for

Institution
Secondary school
Course
School year
5

Document information

Uploaded on
May 17, 2022
Number of pages
5
Written in
2021/2022
Type
SUMMARY

Subjects

$26.49
Get access to the full document:

Wrong document? Swap it for free Within 14 days of purchase and before downloading, you can choose a different document. You can simply spend the amount again.
Written by students who passed
Immediately available after payment
Read online or as PDF

Get to know the seller
Seller avatar
ChewyDewy

Get to know the seller

Seller avatar
ChewyDewy Holy Angel University
Follow You need to be logged in order to follow users or courses
Sold
-
Member since
4 year
Number of followers
0
Documents
7
Last sold
-

0.0

0 reviews

5
0
4
0
3
0
2
0
1
0

Recently viewed by you

Why students choose Stuvia

Created by fellow students, verified by reviews

Quality you can trust: written by students who passed their tests and reviewed by others who've used these notes.

Didn't get what you expected? Choose another document

No worries! You can instantly pick a different document that better fits what you're looking for.

Pay as you like, start learning right away

No subscription, no commitments. Pay the way you're used to via credit card and download your PDF document instantly.

Student with book image

“Bought, downloaded, and aced it. It really can be that simple.”

Alisha Student

Working on your references?

Create accurate citations in APA, MLA and Harvard with our free citation generator.

Working on your references?

Frequently asked questions