100% tevredenheidsgarantie Direct beschikbaar na betaling Zowel online als in PDF Je zit nergens aan vast
logo-home
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino $8.49   In winkelwagen

Interview

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino

 0 keer bekeken  0 keer verkocht
  • Vak
  • Instelling

Saklaw ng dokumentong ito ang mga aralin tungkol sa sitwasyong pangwika, uri ng morpema, mga transisyunal na ekspresyon, at ang wastong gamit ng gitling.

Voorbeeld 2 van de 9  pagina's

  • 14 april 2022
  • 9
  • 2021/2022
  • Interview
  • Onbekend
  • Onbekend
  • Middelbare school
  • 5
avatar-seller
Sitwasyong Pangwika

Ang ating wika ay patuloy na nagbabago at yumayabong. May mga namamatay mang salita ngunit
may mga bagong salita naman ang naidaragdag. Sa ating panahon ngayon, napakalaki ng ambag ng
teknolohiya sa pagbabago ng ating wika. Isa sa mga may malaking ambag ngayon mula sa teknolohiyang
ito ay ang mass media. Dahil din dito naging mas mabilis ang pakikipagkomunikasyon at pagbibigay ng
iba’t ibang impormasyon. Sa araling ito, pag-uusapan natin halimbawa ang iba't ibang lagay ng wikang
Filipino ngayong ika-21 siglo sa iba't ibang larangan.


Sa SWS survey noong 1992, 18% lamang ng mga Pilipino ang may ganap na kahusayan sa
paggamit ngwikang Ingles, karamihan sa kanila’y isinilang at lumaki sa Amerika at bumalik lamang sa
Pilipinas.Sa SWS Survey Disyembre 1995 lumabas ang mga sumusunod: Sa tanong na “Gaano
kahalaga ang pagsasalita ng Filipino” 2/3 ang nagsabing mahalagang-mahalaga ito. (71% sa Luzon,
55% sa Visayas at 50% Mindanao) Pilipinong ABC (mayayaman, angat sa buhay), 73% ang nagsabing
mahalagang-mahalagaang pagsasalita ng Filipino. Ayon sa SWS survey, noong Abril 8 hanggang 16,
1998, ang unang wika sa tahanan ng mga Pilipino ay: 35% Filipino, 24% Cebuano, 11% Illongo, 8%
Kapampangan, 5% Ilokano at 1% Ingles.



Sitwasyong Pangwika sa iba’t ibang yugto
Noon at ngayon, ang wika ay patuloy na umiiral at nagbabago. Kasabay ng pag-iral at pagbabagong
ito,umuusbong at lumalago naman ito mula sa iba’t ibang yugto ng panahon. Masasabing ang wika
sa kasalukuyan ay hinulma ng panahon kung saan ito nagsimula at nabuo.

 1950s nang ang wikang Pilipino ay ipinasok bilang asignatura.
 1973 pagbubuo ng wikang pambansa.
 1974 nang maipatupad ang bilingual policy sa panahon ni dating pangulong Ferdinand Marcos.
 Pagpasok ng 1987, matapos bawiin ng bayan mula sa diktadurya ang demokrasya, naisabatas ang
wikang pambansa na Filipino.

Malayo na ang nalakbay ng wikang Filipino, sa mahabang kasaysayan nito ay nakita natin ang paglago,
pag-unlad at pagbabago ng wika. Malaki ang epekto ng makabagong teknolohiya sa ating wika.
Ayon kay Jomar I. Empaynado isang propesor at manunulat, ang sitwasyong pangwika ay anumang
panlipunang penomenal sa paggamit at paghulma ng wika. Samakatuwid, ang sitwasyong pangwika ay
mga pangyayaring nagaganap sa lipunan na may kinalaman sa patakaran sa wika at kultura. Isinasaalang
din dito ang pag-aaral sa mga linggwistiko at kultural na pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino at mga
sitwasyon sa paggamit ng wika rito.



Sitwasyong Pangwika sa Ika-21 Siglo

A. Sitwasyong pangwika sa Telebisyon
Ang telebisyon ay itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng
mamamayan na naaabot nito. Sa paglaganap ng cable o satellite connection ay lalong dumarami ang
manonood saan mang sulok ng bansa. (Ang magandang balita, wikang Filipino ang nangungunang
midyum sa ating bansa) Malakas ang impluwensya ng mga programang gumagamit ng wikang Filipino sa

, mga nanonood. Hindi kasi uso ang mag-subtitles o mag-dub ng mga palabas sa mga wikang rehiyonal.
Ang madalas na exposure sa telebisyon ang isang dahilan kung bakit sinasabing 99% ng mga Pilipino ang
nakapagsasalita ng Filipino ar maraming kabataan ang namumulat sa wikang ito bilang kanilang unang
wika maging sa lugar na hindi kabilang sa Katagalugan.
Malakas ang impluwensya ng wikang ginagamit sa telebisyon sa mga iba’t ibang probinsya.
(paskil/babala sa paligid at pagtatanong ng direksyon) Mga halimbawa ng mga programang
pantelebisyon na gumagamit ng wikang Filipino ay mga teleserye, mga pantanghaling palabas,
mga magazine show, news and public affairs, reality show at iba pang programang pangtelebisyon. Ang
pagdami ng mga palabas sa telebisyon partikular ang mga teleserye o pantanghaling programa na
sinusubaybayan ng halos lahat ng milyon-milyong manonood ang dahilan kung bakit halos lahat ng
mamamayan sa bansa ay nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino.

B. Sitwasyong pangwika sa Radyo at Dyaryo
Filipino rin ang nangungunang wika sa radyo, AM man o FM. Mayroong mga programa rin sa FM tulad
ng Morning Rush na gumagamit ng wikang Ingles sa pagbo-broadcast subalit nakakaramipa rin ang
gumagamit ng Filipino. May mga estasyon ng radio sa mga probinsya na gumagamit ng rehiyonal na
wika ngunit kapag may kapanayam sila ay karaniwan ang wikang Filipino ang ginagamit nila.
May dalawang uri ng dyaryo, ang broadsheet at tabloid. Sa broadsheet, ang gamit na wika ay Ingles at
wikang Filipino naman sa tabloid maliban sa iilan. Subalit, tabloid ang mas binibili o patok sa masa, tulad
ng mga drayber ng bus at dyip, mga tindera sa palengke mga ordinaryong manggagawa atbp.
Ang lebel ng Filipinong ginagamit sa mga tabloid ay kadalasang hindi pormal na wikang ginagamit sa mga
broadsheet. Nagtataglay ito ng malalaki at nagsusumigaw na headline na naglalayong maakit kaagad ang
mambabasa. Ang nilalaman ay karaniwan ding senseysonal at lumilitaw sa mga ito ang barayti ng wika
kaysa pormal na Filipino.


C. Sitwasyong pangwika sa Pelikula
Bagama’t mas maraming banyaga kaysa lokal na pelikula ang naipalalabas sa ating bansa taon-taon ang
mga lokal na pelikulang gumagamit ng midyum na Filipino at mga barayti nito ay mainit ding
tinatangkilik ng mga manonood. Dalawampung nangungunang pelikulang ipinalabas noong 2014, batay
sa kinita, lima sa mga ito ang lokal na tinatampukan din ng mga lokal na artista.
Ingles ang karaniwang pamagat ng mga pelikulang Pilipino tulad ng: One More Chance, Starting Over
Again, It takes a Man and A Woman, Bride for rent, You’re still the One at marami pang iba. Ang wikang
ginagamit kadalasan sa mga pelikula ay Filipino, Taglish at iba pang barayti ng wika.


D. Sitwasyong pangwika sa Ibang Anyo ng Kultura


Isa sa mga katangian ng wika ay pagiging malikhain. Sa patuloy na paglago ng wika ay umusbong ang
iba’t ibang paraan ng malikhaing paggamit dito dala na rin ng mga pababagong pinalaganap ng media.
1. Fliptop – Laganap ang Fliptop sa mga kabataan, may malalaking samahan silang nagsasagawa ng mga
kompetisyong tinatawag na Battle League. Mayroong mga Fliptop na isinasagawa sa wikang Ingles
subalit ang karamihan ay sa wikang Filipino, Napalaganap ito sa pamamagitan ng Sa ngayon ay marami
na ring paaralan ang nagsasagawa ng Fliptop lalo na tuwing ginugunita ang Buwan ng Wika

 Pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap.
 Modern Balagtasan
 Bersong nira-rap ay magkakatugma ngunit walang malinaw na paksang pagtatalunan
 Kung ano lang ang paksang sinimulan ng naunang kalahok ay siyang sasagutin ng katunggali

Voordelen van het kopen van samenvattingen bij Stuvia op een rij:

Verzekerd van kwaliteit door reviews

Verzekerd van kwaliteit door reviews

Stuvia-klanten hebben meer dan 700.000 samenvattingen beoordeeld. Zo weet je zeker dat je de beste documenten koopt!

Snel en makkelijk kopen

Snel en makkelijk kopen

Je betaalt supersnel en eenmalig met iDeal, creditcard of Stuvia-tegoed voor de samenvatting. Zonder lidmaatschap.

Focus op de essentie

Focus op de essentie

Samenvattingen worden geschreven voor en door anderen. Daarom zijn de samenvattingen altijd betrouwbaar en actueel. Zo kom je snel tot de kern!

Veelgestelde vragen

Wat krijg ik als ik dit document koop?

Je krijgt een PDF, die direct beschikbaar is na je aankoop. Het gekochte document is altijd, overal en oneindig toegankelijk via je profiel.

Tevredenheidsgarantie: hoe werkt dat?

Onze tevredenheidsgarantie zorgt ervoor dat je altijd een studiedocument vindt dat goed bij je past. Je vult een formulier in en onze klantenservice regelt de rest.

Van wie koop ik deze samenvatting?

Stuvia is een marktplaats, je koop dit document dus niet van ons, maar van verkoper kiannebautista. Stuvia faciliteert de betaling aan de verkoper.

Zit ik meteen vast aan een abonnement?

Nee, je koopt alleen deze samenvatting voor $8.49. Je zit daarna nergens aan vast.

Is Stuvia te vertrouwen?

4,6 sterren op Google & Trustpilot (+1000 reviews)

Afgelopen 30 dagen zijn er 85443 samenvattingen verkocht

Opgericht in 2010, al 14 jaar dé plek om samenvattingen te kopen

Start met verkopen
$8.49
  • (0)
  Kopen