.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ang Dapat Piliin
Sa taong 2020 hanggang 2021 ay maraming pinagdaanan ang
bawat isa sa atin. Marami ang nag lugmok dahil sa mga pangyayaring
hindi inaasahan, maraming nagkaroon ng pagkakataon upang matuto
at marami ring ginamit ang pagkakataong ito upang makapag pahinga.
Ako bilang estudyante, kapatid, kaibigan, at anak ay marami ring
pinagdaanan sa mga taong ito. Iba’t ibang emosyon at ala-ala ang
aking nabuo sa mga taong ito dahil may mga araw na pakiramdam ko
ay hindi ako makabangon, mga araw na nawawalan na ako ng pag-
asa, at mga araw na hindi ko na alam kung ano ang mga nangyayari.
Sa kabila ng lahat ng ito, mayroon akong napulot na napaka
importanteng aral—hindi masamang unahin ang sarili.
Nagsimula ang lockdown sa Pilipinas noong Marso 2020, alalang
alala ko pa ang mga pangyayari noong lumabas ang anunsyo sa
pagkansela ng klase sa aming eskwelahan habang kami ay nagtipon-
tipon upang magpraktis para sa isang kompetisyon. Kami ay punong
puno ng saya sapagkat nasuspende ang klase ngunit mayroon pala
itong mapait na kapalit. Sa mga unang buwan ay nananatili ang aking
pag-asa na sa maikling panahon ay makakabalik din ang lahat sa dati,
walang face mask, walang face shield, walang lockdown at walang
quarantine. Sa bawat linggong lumilipas, nabalitaan ko ang pagtaas ng
mga kaso ng COVID-19 sa ating bansa at wala akong ibang
nararamdaman kundi pagkadismaya. Ilang buwan akong umaasa na
muling makasalamuha ng tao ng walang pangamba at takot na baka
ako ay mahawa ng bayrus. Hindi ko lubusang maintindihan ang aking
sarili sa mga pagkakataong ito, para bang hindi ko kakayanin pag ako
ay nakakulong lamang sa bahay. Sa bawat araw ginugusto kong
mayroon akong nakakausap kahit hindi man ito sa personal, masyado
akong dumepende sa mga tao sa paligid ko. Kapag mayroong